Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Team GenTri masisilayan

0 136

MASAYANG ibinalita sa akin ng kumpare kong sina coach Ederwin Estavillo at Arena Grandmaster Marlon Bernardino na handa na ang General Trias City, Cavite Chess Team sa paglahok sa inaugural ng Professional Chess Association of the Philippines-PCAP na itinayo ni Atty. Paul Elauria na siyang ding league’s first commissioner kung saan ay kinilala ng Games and Amusements Board (GAB) bilang unang Professional Chess League sa bansa.

Bukod sa malaking responsibilidad na nakataang bilang coach at assistant coach sa panig nina coach Estavillo at AGM Bernardino ayon sa pagkakasunod ay kasama din sila sa manlalaro ng General Trias na suportado nina cong. Jon-Jon Ferrer, mayor Ony Ferrer at sports head Lhen Muralla Kempiz.

Nasilayan din ang tambalan nina coach Estavillo at AGM Bernardino sa magkasunod na taon, 2018 at 2019 na pinangunahan ang General Trias (Junior at kids team) na nag-uwi ng championships trophy, gold, silver at bronze sa Thailand Chess Festival sa Pattaya, Thailand.

Abangan natin ang tambalan nina coach Estavillo at AGM Bernardino.

Belated happy 1 year old birthday kay Baby Sophie Hillary Afortunado Estavillo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.