Una sa Balita

Team captain Altomonte tiwala sa PH Blu Girls

By ,
0 256

MULING sasabak ang Philippine Blu Girls sa double-header match ngayong Miyerkoles at umaasang manalo para makapasok at makasikwat ng medalya sa 18th Asian Games softball competition sa Gelura Bung Karno diamond sa Jakarta, Indonesia.

Tiwala si Blu Girls team captain Cheska Altomonte na magagawa nilang makapag-uwi ng medalya dahil na rin sa sa pusong pinapakita ng mga softbelle na winalis ang kanilang unang tatlong laban.

Makakaharap muna ng Pilipinas ang Asian champion at No. 1 na Japan, Martes ng gabi bago sumalang sa dalawang laro sa Miyerkoles kontra Indonesia ganap na 12:30 ng tanghali at Chinese Taipei ganap na 8:00 p.m (parehong oras sa Jakarta).

“That is what we are aiming for (beat Chinese Taipei). We just don’t want to duplicate our effort in the Asian Championships but surpass it. Our team is in high spirit and we got fired up by the support of the local here,” saad ni Altamonte.

Sinabi din ni Altomonte na naging matatag ang samahan ng Blu Girls kahit na marami silang practice session na hindi napuntahan dahil na rin sa walang tigil na pag-ulan at pagbaha dito sa bansa.

“The team is good, our bonding ia good despite we were not able to train as a team because of typhoon back in Manila. We hope for the best as we play now as a team. We can’t relax, we had to get going,” dagdag nito.

Nasikwat ng Blu Girls ang kanilang ikatlong  sunod na panalo matapos nilang pataubin ang China, 1-0, noong Lunes nang gabi at tinapos din nila ang Korea, 5-3, sa isang mahigpit na laban.

“That is a very important win (against Chinese Taipei) for us. Nakatapak na ang isang paa namin sa next round,” sabi ni national coach Venerando Dizer.

Ang unang apat na tropa ang papasok sa page system semifinal para malaman kung sino ang maghaharap para sa gintong medalya habang ang matatalo naman ay paglalabanan ang bronze medal.