Una sa Balita

Team Bagong Parañaque, gumawa ng bagong kasaysayan sa politika

0 500

Binabati ng nagkaka-isang miyembro ng Association of Barangay Captains (ABC) sa Lungsod ng Parañaque ang landslide na pagkapanalo ni Mayor Edwin L. Olivarez, nitong Lunes mid-term elections kung saan ay gumawa ng bagong kasaysayan at pananaw sa politika ang ‘Team Bagong Paranaque’ o (TBP).

Ayon kay Chris Agui­lar, ABC president at barangay chairman ng Marcelo Green, pinaha­nga sila sa naging resulta ng mapayapang halalan matapos magwagi ang lahat ng kandidato sa ilalim ng Olivarez team sa pangunguna ni re-elected Vice Mayor Rico Golez.

Ang kanila ring kasamahan sa TBP na sina 1stDistrict Rep. Eric Oli­varez at 2nd District Rep. Joy Tambunting ay parehong nilampaso ang kanilang mga kalaban pati na rin ang kanilang 16 na konsehal sa dalawang distrito.

“Ngayon lang po nangyari sa kasaysa­yan ng eleksyon sa lungsod na kung saan ang isang kandidato sa pagka-Alkalde ay nagwagi ng may kalamangan na 116,400 boto laban sa kanyang katungali,” sabi ni Aguilar.

Nilampaso ni Olivarez si dating Mayor­ Flo­rencio Bernabe kung saan nakakuha ng 169,224 ang re-elected mayor samantalang may 52, 824 na boto lamang si Bernabe.

Paliwanag ni Agui­lar, parehong nagsilbing mayor ng lungsod sina Olivarez at Berna­be ngunit mas maganda at maayos ang nagi­ng pamamahala at pagganap sa anim na taon ni Olivarez kumpara sa siyam na taon ni Bernabe.

“Ramdam din ng mga Punong Barangay at ng bawat residente sa 16 na barangay ang mala­king pagbabago sa sektor ng kalusugan, edukasyon, pabahay sa mahihirap at pag angat ng lokal na ekomomiya simu­la ng naupong mayor si Olivarez,” diin ng mga punong barangay. (Armida Rico

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy