Una sa Balita

Teachers sa Marawi, may sweldo kahit walang pasok

By
0 30

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na tatanggap pa rin ng buong sweldo ang mga titser sa Marawi City kahit hindi nakakapagturo dahil sa kaguluhan doon.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, hindi kasalanan ng mga guro na hindi makapagreport sa pulong na ipinatawag noong Hunyo 8 ng DepEd-Autonomus Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil apektado rin sila ng krisis at kailangan nilang iligtas ang mga sarili.

“They need their salaries more kasi di naman nila kasalanan ang nangyaring kaguluhan sa Marawi City,” wika ni Briones

Sinabi ni DepEd-ARMM Assistant Secretary Marjunni Maddi na kahit 600 lamang mula sa kabuuang 1,411 na guro ang dumalo sa pulong, tatanggap pa rin ng buong sahod ang lahat ng guro ng Marawi City.

Samantala, sasailalim naman sa psychosocial aid ang mga guro bago sila payagan muling magturo oras na bumalik sa normal ang sitwasyon sa Marawi.