Una sa Balita

Teacher sa Isabela na viral sa socmed iniimbestigahan na

By
0 708

Pansamantalang inilipat sa ibang paaralan habang iniimbestigahan ang guro sa Isabela na naging viral sa social media matapos na walang habas na pagalitan, pagmumurahin at saktan ang mga batang boy scout na nasa jamboree activities.

Kinilala ang guro na si Reina Mercedes, isang public school teacher, ng nasabing lalawigan na napag-alamang 5-buwang nagdadalang-tao.

Sa report, makikita sa video na pinapagalitan ng guro ang dalawang batang boy scout habang pinagbubuhatan ng kamay ang isa.

“Mga animal kayo! P*****a kayong mga Boy Scout ng Cutog Grande!” pasigaw na sinabi ni Mercedes sa batang estudyante at sabihan pa na mga ‘irres­ponsible idiots.’

Dahil dito, ang mga magulang ng mga boy scout ay determinadong magsampa ng kaukulang demanda laban kay Mercedes sa Department of Education (DepEd).

Tumangging magbigay ng pahayag si Mercedes laban sa akusasyon sa kanya.

Ayon DepEd Undercretary Annalyn Sevilla, pinag-leave muna nila ang guro para sa ongoing investigation sa kaso at nahaharap sa reassignment sa kanyang trabaho.

“She filed a leave and, of course, meron din pong immediate na ginawa na bigyan siya ng reassignment para po ‘yung investigation will be un­biased,” ani Sevilla.