Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Teacher nagpakita ng Mohammad cartoon, pinugutan

0 127

Patay ang isang history teacher matapos itong gilitan sa leeg gamit ang kitchen knife kasunod nang pagpapakita nito ng caricature sa kanyang mga estudyante.

Isang 18-anyos na lalaki ang pumaslang sa 47-anyos na history teacher sa Paris matapos diumanon nitong ipresenta sa klase ang cartoon ni Prophet Muhammad, na hindi nagustuhan ng ilang magulang.

Alas-singko Biyernes ng gabi nakita ang katawan ng guro sa labas ng eskuwelahan sa Yveslines, at dito rin namataan ang suspek na tumanggi sa pag-aresto. Dahil dito’y napilitan paputukan ang naturang suspek dahil sa umano’y pang-amba nito sa mga pulis.

Nilarawan ni French president Emmanuel Macron ang nasabing pagpatay sa teacher bilang ‘Islamist terrorist attack’. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.