Una sa Balita

Teacher dinukot ng Sayyaf

By
0 3

ZAMBOANGA CITY — Tinangay kahapon ng mga hinihinalang Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang pampublikong guro matapos harangin ng mga armado ang sasakyan nito sa ba­yan ng Patikul sa Sulu, sa Mindanao.

Nakilala ang biktima na si Edrina Manalas Bonsil, na nagtuturo sa Tuup Elementary School.

Nabatid na patungo ito sa paaralan dakong alas-otso ng umaga lulan ng jeep nang sila’y harangin ng limang armado sa Barangay Kanague. Tanging si Bonsil lamang ang hinila ng grupo at tinangay.

Walang umako sa pagdukot ngunit ASG ang pangunahing suspek sa krimen, ayon sa pulisya.

Walang pahayag ang Department of Education (DepEd) sa autonomous region ukol sa naganap, ngunit sinabi naman ng militar na patuloy ang operasyon nito kontra ASG na may hawak pang mahigit sa isang dosenang dayuhang bihag na dinukot sa karagatan ng Sabah sa Malaysia.