Una sa Balita

Te, Gregorio, Timbol prospect sa 13-U Elite

0 551

Magkakaroon ng mga bagong mukha ang 13-Under Elite kung saan sasabak sila sa iba’t ibang torneo sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Walang gagastusin ang bata na papalarin sa mapipili ng inyong lingkod bilang head coach ng team.

Kami ng aking coaching­ staff ay may mga napupusuan nang mga batang manlalaro na iimbitahan para sumubok sa naturang team.

Balak ng aming major sponsor na Microsmith Technology System na bumuo ng benteng manlalaro para sa 13-Under pool.

Pipili kami ng mapalad na 15 na maglala­ro sa ibang bansa gaya ng Las Vegas, Australia, Bangkok, Singapore at Hong Kong.

Ito ay sina Raymond Allen Te-Xavier, Timothy John B. Delos Santos-Ateneo De Manila University, Lorenzo Manuel M. Tabuñar-Marist, Renzo Markus S. Sandigan-Claret School of QC at Elijah Miguel M. Cabiluna-Claret School of QC.

Kasama rin sina Juancho Carlitos C. Albero-Claret School of QC, Daryl Valdeavilla-UPIS, Irus Navarro Chua-Xavier School, Mari Michal Justus Ymasa-Ateneo De Manila University, Gabriel Luis R. Aceveda-San Beda Alabang at Chadrick Keane F. Timbol-De La Salle Zobel.

Mapalad din na kabilang sina Bryan Andrei L. Hachuela-La Salle Greenhills, Gian Azriel R. Gomez-La Salle Greenhills, Ralph Joachim R. Gregorio-Ateneo De Manila University, Dominic Joaquin Arejol-DLSZ, Jhareb Sherwin Gonzalvo Garcia Kashmir Tongco of Notre Dame, Kevin Miguel R. Gonzales, LeBron James Manding & Emer Gabriel Vales of San Benildo.

Sila ang nakikita naming may potensiyal na makabilang sa team pero wala pa rin kami pangangko kahit sa kanino man.

Gusto ko muna makita ang dedikasyon at commitment ng player lalo na ito ay libre at maraming makukuhang benepisyo.

Kasi naniniwala ako na attitude first before skills.
***
Nagpapasalamt din po kami sa suporta ni AMA Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V at President Dr. Amable C. Aguiluz IX sa suporta sa team at Si House Deputy Speaker Paolo ‘Pulong’ Duterte pati na kay Congressman Eric Yap.

Binabati ko si 1st pick overall sa PBA D-League 2020 Rookie Draft na si Reed Baclig na naging history sa liga bilang pinakabatang draftee.

Nawa’y pagpalain ka ng Diyos at naniniwla kami sa iyong kakayahan na maaabot mo ang pinakamataas na liga na PBA at maging inspirasyon ka sa iba na hindi hadlang ang kaliitan sa pagalalaro ng basketball at sa pagi­ging pinakabata sa liga.

Binabati ko ng maligayang kaarawan si Breakdown Basketball 19-U Tournament MVP Christian Germino at Finals MVP na si Alec Catorce.
Makikita ang dalawa sa darating na PBA D-League 2020.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More