Una sa Balita

Tayongtong, QC tinisod ang Makati

0 216

TINAGPAS ng Quezon City Capitals ang four-game run ng Makati Super Crunchers 91-85 Martes nang gabi sa pagpapatuloy ng elimination round ng 2019 MPBL Lakan Season sa Ateneo Blue Eagle Gym.

Ratsada ng 12 sa kanyang total 20 points sa huling limang minuto ng aksiyon si Joco Tayongtong para ibigay sa Capitals ang panalo sa torneong binuo ni Senator Manny Pacquiao katuwang si PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Sumahog ng 20 points si Dahrell Caraguian sa Capitals, na naghigpit ng depensa sa endgame para pagsarhan ng field goal ang Makati sa huling limang minuto.

Una rito, umupak din ng magkahiwalay na panalo ang Davao Occidental at Muntinlupa Cagers. (Aivan ­Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy