Una sa Balita

Tayo na’t magtampisaw sa death pool ng Pangasinan

0 300

DADALHIN ko na naman kayo sa ­lugar kung saan ­sigurado akong Trip Mo, Trip ko! Biyaheng ­hindi na kailangan pa sumakay ng eroplano o barko. Bus at sasak­yan lang abot tanaw na natin ang ganda ng natural na ganda ng tanawin sa lugar na ikukuwento ko sa inyo.

Kaya naman biyahe tayo pa Norte mga ­­­Ka-Abante. Kung matatandaan ninyo sa una kong column ipinaramdam ko sa inyo ang ganda ng Zambales. Ngayon naman ay ­madadaanan natin ang Pampanga, ­Olongapo, Subic at Zambales dahil ang tungo natin mga biyaheros at biyaheras ay ang pinagpala rin sa ganda ng dagat at kabundukan, ito ay ang Pangasinan!

Na experience niyo na bang tumalon at lumangoy sa kilalang Death Pool ng Pangasinan? Ito ay hinahambing sa Boracay noong unang panahon dahil sobrang mamangha kayo sa puting buhangin at sobrang linaw ng tubig.

Makikita niyo rin ang mga magandang rock formation na nakapalibot dito. Ito ay makikita sa Cabongaon Beach sa bayan ng Burgos, Pangasinan kung saan dinarayo na rin ng mga turista.

Tinawag itong Death pool dahil sa natural na swimming pool o hole nito at kapag malakas ang alon ng dagat napupuno ito ng tubig alat, kung saan dinarayo ng mga gustong maligo at ma-feel ang excitement kapag tumatalon sila rito. Nakakatakot kung titignan pero ito naman ay safe at siguradaong ma-e-enjoy ninyo.

Kapag sinabi mong Pangasinan siyempre hindi natin palalagpasin ang Hundred Islands na popular naman talaga sa mga turista.

Kung gusto ninyo ng hustle free maaari kayong komontak o search ninyo on line ang Alaminos City Tourism Office na 24 oras na hotline nila para sa inyong mga katanungan.

Kung ­gusto niyo namang kakaibang experience, payo ko sa inyo na dumiretso kayo sa Bolinao, Panga­sinan, sobrang dame ninyong puwedeng puntahan dito at maging ­activity tulad ng dagat, wtare falls, ang ­kialalang light house dito, mga simbahan at ­kuweba.

Sa rami ng puwedeng puntahan dito, ipinapayo kong huwag ninyong palagpasin ang Enchanted Cave nila kung tawagin.

Para naman sa mga mahilig sa pag-akyat ng bundok huwag mag-aalala dahil meron din ang probinsya ng Pangasinan na masasabi kong sobrang makapigil hiningang experience ang pag-akyat dito, dahil puwede kayong mag-zip lining na madadaanan nyo at makikita sa ibaba ang nag lalakihang mga puno o di kaya naman ay puwede kayong ­sumakay ng ATV paakyat ng bundok.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy