Una sa Balita

Tayo nang tuklasin ang ganda ng Nueva Ecija

0 268

Mapapa-I love you Sabado! ka mga ‘KA- TRIP MO, TRIP KO’ ngayong weekend dahil bukod sa ganda ng ating lalakbayin, mabubusog ka din sa sarap ng mga pagkain dito. Halina’t samahan n’yo ako sa isa na namang adventure.

Kaya naman gusto kong ihandog sa inyo ang probinsyang mayaman sa lupa at masarap na bigas, kabundukan at karagatan.

Ito ay ang Nueva Ecija.

Unahin natin ang Minalungao National Park na talaga namang dinudumog ng mga turista. Sa angking ganda nito, dito pa lang puwede ng mabuo ang inyong isang araw dahil na din sa dami ng puwedeng gawin dito, tulad ng zipline, cave tour, at kung nagugutom naman kayo maari ninyong ma- experience na kumain ng pananghalian sa balsa­ habang nakikita ninyo at ine-enjoy ang tubig na kulay berde at mga limestone na talaga namang nakaka-relax habang kayo ay nagsasalo-salo. Kung hindi pa kayo pagod at naiinitan na, huwag mag-alala dahil puwede rin kayong maligo dito.

Ang Minalungao National Park ay matatagpuan sa General Tinio, Nueva Ecija.

Meron din ang Nueva Ecija na isa sa mga natatanging ganda na mai­pagma­malaki sa mga dayuhan ito ay ang 10 ft. Gabaldon Falls kung saan pinaniniwalaang nakakagaling ang napakalinaw na tubig rito. Bukod sa malamig na tubig galing sa falls makikita mo din ang naggagandahang formation rocks. Maari rin kayong mag-trecking upang mas makita ninyo ang ganda ng kalikasan.

Para naman sa mga laking siyudad at type na makaranas ng buhay pro­binsya. Swak sa inyo ang PMP Paradise Farm (Pablo M. Pagtalunan). Dito maari kayong mamingwit ng isda sa kanilang floating Bahay-kubo, at gumawa ng mga minatamis tulad ng “pali­taw” at “nilupak”, puwede din kayo sumakay ng kabayo at makaranas ng pagpapastol ng tupa. Ito ay matatagpuan sa Brgy. Nazareth, Gene­ral Trio (Papaya), Nueva Eci­ja.

Dumako naman tayo sa mga pagkaing sikat dito sa Nueva Ecija. Mahilig ba kayo sa papaitan? Hindi mag papatalo ang mga taga rito pagdating d’yan! Ito ay maihahambing din sa papaitan ng mga Ilocano.

Ang papaitang kam­bing sa alibangbang na dahon ay may mga sangkap na binubuo ng mga lamang loob ng kambing tulad ng atay, balunbalunan, puso at madami pang iba. Maari ninyo itong matikman sa Minalungao National Park.

Mahilig ka ba sa longganisa? Kung oo, ang iyong sagot, panigu­rado akong maglalaway kayo sa batotay at Cabanatuan longganisa nila na masarap isabay sa mainit na sinangag. Kaya naman mga Ka-Abante huwag ninyong palagpasin na makatikim nito.

Ayan busog na naman ang ating mga mata at tiyan sa trip natin ngayong week end. Lagi ninyong tatandaan na ang paglalakbay ay nagbibigay ng bagong refreshment sa ­ating mga isip.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy