Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tayo nang magtanim, mga plantito plantita

0 326

Uso ngayon sa social media ang mga plantito at plantita.

Sila yung mga nagkahilig sa pag-aalaga ng halaman ngayong panahon ng pandemya.

Dahil siguro sa tagal na pamamalagi sa bahay, nakahanap ng pag-aaliwan ang mga tao sa paghahalaman. Maganda rin kasi na magkaroon ng kulay sa loob ng bahay habang nag-aaral o nagta-trabaho sa bahay.

Kasabay nito ang pagdami ng mga nag-aalok ng halaman, lalo na yung mga exotic at bihira makita sa kalunsuran. May mga nabalita nga na nangunguha ng mga halaman sa mga bundok at kagubatan. Sa kasamaang palad, pati ang mga endangered species ay kasama sa kanilang ipinagbibili sa social media.

Nagpipiyesta tuloy ang mga illegal gatherers dahil sa biglang laki ng demand na nagpataas sa presyo, ayon kay Rogelio Demallete ng Biodiversity Management Bureau (BMB).

Tulad ng halamang pang-bonsai na bantigue, ang dami raw naghahanap nito; pati na ang mga pitcher plant na nabubuhay sa mga matataas na lugar.

Nakipag-ugnayan ang BMB sa Nationa Bureau of Investigation (NBI) para bantayan ang mga nagbebenta ng mga endangered species gaya ng Alocasia zebrina at Alocasia sanderiana.

Sabi ng mga hobbyist, tumaas daw ang presyo ng mga halaman gaya ng caladiums, rubber trees, at ferns nang hanggang 35-45% mula sa presyo bago ang pandemic.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Umabot sa P3,000 ang halamang monstera deliciosa (swiss cheese plant) bawat isa mula sa dating P800. Ang rare na puting deliciosa albo, umabot sa P7,000 ang isang dahon lang!

Hindi nakakagulat sa pagdami ng mga plantito/plantita sa Pilipinas. Natural lang na tamaan ang ating mga kababayan ng pagka-inip. At nasumpungan ang hindi naman komplikadong pag-aalaga ng halaman bilang aliwan. “Plant babies” ang tawag ng mga millenials dito.

Natuwa naman ang mga may-ari ng garden shops. Sa panahon ng pandemya, tumigil sa pagbili ng halaman at bulaklak ang mga malalaking buyers tulad ng mga landscapers, hotel at restaurants. Pumalit naman ang mga individual buyers na 3-5 halaman kung mag-uuwi ang mga eto, sabi ni Ricky Santiago ng Bulacan Garden.

Pati ang mga backyard garden shops sa south ng Metro Manila ay nabiyayaan din. Lumago ng hanggang 8 beses ang kanilang benta sa mga taga-NCR.

Magandang libangan ang paghahalaman dahil nakaka-alis ng stress, lalo na ngayon na nagta-trabaho kahit nasa bahay. Mas lalo ang pakinabang kung ang mga alagang halaman ay nakakain, tulad ng mga bahay kubo gulay. Tanggal na ang stress, may pandagdag pa sa pagkain kahit tumagal pa ang quarantine.

Tulad ng ginawa ni Lilibeth Herbolingo ng Prosperidad City, Agusan del Sur. Ang mga punla na ipinamigay ng LGU sa kanilang probinsiya ay itinanim niya sa center island sa Prosperidad. Sa halip na pigilan, hinikayat pa ng LGU ang mga mamamayan, pati mga empleyado na magtanim rin tulad ng ginawa ni Lilibeth.

Hindi naglaon, nag-ani ang mga taga Prosperidad ng pechay, sibuyas, kangkong, talong, alugbati, at okra. Nagkaroon pa sila ng dagdag na kita nang ibenta ang sobra nilang ani.

Sila ang dapat tularan at gawing huwaran sa pagharap sa pandemic, hindi yung mga malalakas ang katawan pero namamalimos lang.

O, ano pa’ng hinihintay ninyo?!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.