Una sa Balita

‘Tayo mismo!’

0 348

TATLO kami ng nanay at ate ko na panganay ang sumaksi sa kasal ng pamang­kin ko sa Batangas, ako ay tumayo bilang Ninong. Nag-stop over kami sa isang ­pizza house bago umuwi dahil na-traffic din kami sa ­Cavite (umiwas kami sa SLEX) ­bukod pa ay Sabado kaya dagsa ang mga sasakyan at biyahero sa daan.

Ipinaalala ng ­Nanay ko sa aming mag-ate na wala sa aming limang magkakapatid ang tinuruan niya kung mayroong exam o assignment sa eskuwela. Nagagalit nga siya kapag siya ang tinatanong namin kung mayroon kaming hindi naintindihan sa lecture ng aming guro.

‘Yan ang uri ng pata­karan ng Nanay ko na ­dinala namin magkakapa­tid sa aming buhay. Tama ­naman yata ang Nanay ko sa ­pagdidisiplina niya. ­Nakatapos naman kaming lima sa aming mga ­kurso at ngayon ako ay isa na ring guro at trainer.

Mainit ang usapin ang pagdidisiplina sa mga anak at estudyante nga­yon.
Nagbabago kasi ang pananaw natin sa paksang ito kasabay ng mabilis rin na pagtakbo ng panahon. Sabi ng mga ­eksperto, positive discipline na ang naaayon sa hamon ng ­bagong siglo at ito ay dapat na sinusuportahan ng buong lipunan.

Ang “nurture” na aspeto ng paghubog sa ­disiplina kabilang na ang good manners and right conduct (GMRC), na nais ibalik bilang isang subject kagaya noon, ay mahalagang pagtuunan ng pansin bilang napapanahong isyu.
Tapos na raw ang ­debate ukol sa nature ­versus nurture.

Maraming ­nagaganap sa kapaligiran katulad ng halimbawa ng bad ­influence ng mga magulang, peer pressure, ma­ling pamamaraan ng disiplina sa bahay o ­barangay, pelikula, TV commercials, at napapanood sa ­media na hindi pagkakapantay-­pantay na trato sa mga tao halimbawa na sa hustisya at karapatan na nagdudulot ng bad ­behavior.

Kasama na rito ang life events and ­experiences ­katulad ng bullying, ­mental, physical, ­verbal and psychological abuse at iba pang ­trauma. ­Konklusyon: Dala ng ­pinaghalong ­nature at ­nurture ang ­maling ­pag-uugali ng mga kabataan.

It takes a village to raise a child ayon sa iba. Trabaho natin lahat ito – magulang, guro, the whole of national and l­ocal go­vernment, ­paaralan, ­business at private ­sector, relihiyon at media. Kung lalo raw lumalakas ang negative pop culture ­bunga ng pagsabog ng impormasyon kasama na ang fake news, distorted values, misinformation at disinformation sa internet, lahat tayo ay dapat sisihin.

Ang aking kinabibila­ngang academic ­institution na Asian Institute of Journalism and Communication ay nangunguna sa media and information ­literacy at fight versus fake news (kapartner ang ­Google) dahil batid ng AIJC ang ­masamang epekto ng maling ­paggamit ng ­information and ­communication technology sa mga values ng kabataan.

Sa mga katulad kong magulang at guro, maaari nating subukan ang age-appropriate na pagdidisiplina sa ating mga anak at mga estudyante.
Mayroon din daw ­kapangyarihan ang ­salita ng mga magulang o mga guro. Kung negatibo ang pagbibitaw ng salita. Halimbawa nito ang mga bilin na nagsisimula sa Huwag o Bawal. Hindi raw ito matatandaan kaya mas mainam na positibong pananalita ang gagamitin sa pagdidisiplina at pagbibilin ng kagandahang-asal.

Alam naman natin na ngayon ay bawal ang corporal punishment tulad ng panggugulpi sa bahay at pamamalo sa paaralan na pinabibigat pa kung mayroong layunin na ipahiya ang tao o ibaba ang pagkatao o dignidad ng bata kaya mas mahusay na posi­tive discipline na lamang ang gamitin sa bahay man o sa paaraalan.

***

Kung mayroong ­katanungan ukol sa Life ­Coaching o mayroong ­kuwento kayo na nais ­ibahagi, maaaring mag-email sa coachalextr@gmail.com o magtext sa 0917-5332322. Si Alex “Lex” Rosete ay isang ­Certified Life Coach mula sa Life Coach Philippines. Isa rin syang guro, trainer at consultant sa communication, human ­resources management at public ­administration.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More