Una sa Balita

Taylor Swift, Ed Sheeran nag-double date

0 569

Lumipad for London si Taylor Swift para makasama ang kanyang boyfriend na si Joe Alwyn na nag-celebrate ng kanyang 29th birthday noong nakaraang February 21.

Nag-dinner ang dalawa sa luxurious London hot spot na Bob Bob Ricard. Kasama nila sa birthday dinner sina Ed Sheeran at ang misis nitong si Cherry Seaborn at dalawa pang kaibigan.

Ayon sa isang eyewitness: “They had fun drinking champagne at the table by pushing a button that says ‘Press for Champagne’ and having it immediately dispensed. They were there for several hours enjoying the night.”

Nakasama si Joe sa documentary film ni ­Taylor na “Miss Americana”.

“I was also falling in love with someone who had a really wonderfully normal, balanced, grounded life,” sey ng award-winning singer-songwriter.

Nagkasama rin ang dalawa sa 2020 Golden Globes awards night. Kasama si Joe sa pelikulang “Harriet” samantalang nominated naman for Best Original Song si Taylor. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More