Una sa Balita

Taylor Swift ‘di kinaya ang pambu-bully nina Borchetta, Braun

0 422

Ilang sandali pa lamang nang magpahayag ang international singer na si Taylor Swift tungkol sa kanyang hinaing dahil ayaw siyang payagan na kantahin ang kanyang mga lumang kanta sa pagpe-perform sa American Music Awards (AMA), heto nga at umabot na agad ang kanyang post nang mahigit kalahating milyong tweets.

Matatandang kamakailan lang nang kilalanin si Swift bilang “Artist of the Decade” at nakatakda siyang mag-perform sa November 24 sa AMA kasabay rin ng kanyang pagtanggap ng award.

Hindi na nakayanan ng singer na sarilinin ang hindi magandang nangyayari kaya naman naglakas-loob na itong ipaalam sa publiko ang kanyang hinaing.

“Dont know what else to do,” caption pa ni Swift kalakip ang screenshot ng note niyang naglalaman ng kanyang mga hinaing.

Kuwento ng singer, simula nang ianunsyo na siya nga ang tinanghal na “Artist of the Decade”, pinagpaplanuhan na niyang bumuo ng medley mula sa mga hit song niya throughout the decade. Pero hindi raw siya pinayagan nina Scott Borchetta at Scooter Braun.

“Scott Borchetta and Scooter Braun have now said that I’m not allowed to perform my old songs on television because they claim that would be re-recording my music before I’m allowed to next year,” kuwento ni Swift.

”Scott and Scooter have declined the use of my older music or performance footage for this project, even though there is no mention of either of them or Big Machine Records anywhere in the film,” dagdag pa ni Swift.

“Scott Borchetta told my team that they’ll allow me to use my music only if i do these: If I agree to not re-record copycat versions of my songs next year (which is something i’m both legally allowed to do and looking forward to) and also to my team that I need to stop talking about him and Scooter Braun,” sabi pa ni Swift.

Palagay ng singer na oras na para tumayo siya para sa kanyang karapatan.

Humingi pa si Swift ng tulong sa kanyang mga fan.

“Please let Scott Borchetta and Scooter Braun know how you feel about this,” ani Taylor.

Maliban kay Swift, hindi lang daw siya ang ginaganon nina Braun, marami pang ibang kaibigan niya sa industriya ang nakararanas ng parehas na sitwasyon na hindi lang makapag-voice out. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy