Una sa Balita

Taxi driver timbog sa pangingikil ng naiwang cellphone ng pasahero

0 459

SA paghahangad na kumita ng P6,000 sa cellphone na naiwan ng pasahero, kulungan ang bagsak ng isang taxi driver matapos itong masakote sa entrapment operation ng Mandaluyong Police, kamakalawa nang hapon sa loob ng SM Mega Mall sa Mandaluyong City.

Hindi na nakapalag pa ang suspek na si Ricardo Enriquez Villena, 54-anyos, taxi driver nang hulihin ng mga nagrespondeng pulis matapos maningil ng P6,000 sa nakaiwan ng cellphone sa kanyang taxi na si Justinne Pingul Bathan, 26-anyos, residente ng L21-22 Block 43 Ocampo St. Holy Angel Village, Phase 4, San Fernando, Pampanga.

Ayon sa report, sumakay ng taxi ang biktima at nagpahatid sa Taft-Buendia at hindi nito namalayan na naiwan niya ang kanyang cellphone sa taxi kaya ang ginawa nito ay tinawagan ang kanyang cellphone at sinagot naman ng suspek at upang mabawi ang kanyang cellphone ay kailangan niya itong tubusin ng P6,000 at nagkasundong makipagkita sa loob ng SM Megamall bandang ala-1:35 Martes nabg hapon.

Pumayag naman ang biktima subalit humingi ito ng tulong sa Mandaluyong Police na sumama sa kanya para mabawi ang cellphone at mahuli ang suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaluyong detention cell at nahaharap sa kasong robbery extortion. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy