Una sa Balita

Taxi driver nagsoli ng sobrang 1K sa pasahero

0 528

Walang kaalam-alam­ ang reporter na si Tarra Quismondo na sumob­ra ng P1,000 ang ibinayad niyang pamasahe sa isang Grab taxi driver noong Sabado, Pebrero 16.

Kaya’t laking gulat niya nang bumalik ang driver matapos siyang ibaba sa kanyang destinasyon.

Gusto palang ibalik ng driver na nakilalang si Mang Leo o Leo Gerardo Cuartero ang sobrang P1,000 na ibina­yad sa kanya ni Tarra.

Umaabot lang kasi sa P352 ang pamasahe dapat ni Tarra pero napasama sa inakala niyang isangdaang piso ang isang libong piso.

Nagpasalamat naman si Tarra sa katapatan ni Mang Leo kasabay ng pahayag na bumalik ang tiwala niya sa mga taxi driver dahil sa pangyayari.

“I would like to commend my Grab taxi driver, Mang Leo, who called and drove back minutes after dropping me off when he noticed I paid him an extra P1,000 bill I had taken for P100. Faith in cabbies res­tored! As to my eyesight, that’s another story,” ayon sa post ni Tarra sa Twitter.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More