Una sa Balita

Tax reform bill klaruhin

By
0 208

Upang matanggap ng publiko ang panukalang tax reform package, kailangang maliwanag kung ano ang magiging pakinabang ng mamamayan sa babayaran nilang dagdag-buwis.

Iginiit ito ni Sen. Sonny Angara, chairman ng senate committee on ways and means, matapos punahin ang kalabuan ng ‘earmarking provision’ ng House Bill No. 5636.

“Gawin nating mas klaro kung paano makikinabang ang taumbayan sa panukalang repormang ito,” giit ni Angara.

Aniya, kung mauunawan ng publiko kung paano sila matutulungan ng panukala, magiging madali ang pagtanggap nila sa panukalang ito.

Dapat umanong malinaw sa panukala na ang makokolektang buwis sa taumbayan ay gagamitin sa libreng edukasyon sa kolehiyo o kaya ay para sa karagdagang pondo ng PhilHealth upang gamutin ang may sakit na diabetes, hypertension at iba pa.

Sa inisyal na implementasyon ng panukala ay kikita umano ang gobyerno ng tinatayang P134 bilyon. Pambawi lang ito ng pamahalaan sa mawawalang kita sa pagtapyas sa income tax rates.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy