Una sa Balita

Tax incentive sa mag-eempleyo sa ALS graduate hinirit

By
0 296

IGINIIT ni Senador Nancy Binay na dapat magkaroon ng tax incentive ang mga employer na kukuha ng mga empleyadong nagtapos sa Alternative Learning System (ALS).

Sa Senate Bill 1046, iginiit ni Binay ang pagbibigay ng 10 percent na diskuwento sa taxable income ng mga employer batay sa gross salary ng mga empleyado na ALS learner o ALS graduate.

Ang ALS learner ay mga indibidwal na kumukuha ng mga literacy skill at functional life skill o support service para sa pagpapaunlad ng kanyang partisipasyon sa ALS at sinertipikahan ng Department of Education (DepEd).

Sa panukala ni Binay na “Alternative Learning System Learners and Graduates Incentives Act 2015”, maaaring makatanggap ang mga employer ng 10% ng gross salary ng mga ALS learner at ALS graduate.

Subalit ang tax deduction ay hindi na lalagpas sa 10 percent ng employer’s taxable income.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy