Una sa Balita

Tax-free na kompensasyon ng titser na magsisilbi tuwing eleksiyon isabatas

By
0 909

Isinusulong ng isang kongresista na hindi na buwisan ang bayad sa serbisyo ng mga guro na nagsisilbing poll worker.

Sa ganitong paraan,­ ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo ay mas mabibigyan ng halaga at pagkilala ang sakripisyo ng mga pampublikong guro.

Inihain ng solon ang House Bill No. 7703 na pumupuntiryang i-exempt­ sa buwis ang allowance at honoraria ng mga titser.

“All compensations received by teachers­ for rendering services­ as part of the Electora­l Board for the national and local elections shall not be included in the computation of gross income and shall be exempt­ from income tax,” nakasaad sa HB 7703.

Sa ngayon ay obligadong sinisingil ng Bureau of Internal Reve­nue (BIR) ng limang porsi­yentong buwis ang kompensasyon ng mga guro na nagsisilbi sa halalan­ kabilang ang katatapos na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) polls.

“The tax, equivalent to P350 from the P6,000 honoria each teacher will receive for serving as BETn(Board of Election Tellers) is precious to each teacher who still receives a small amount compared to the dedica­ted work they render,” pahayag ni Castelo.

“With their immense experience in carrying out this act of public service, teachers also subject their lives to danger thus the government should reciprocate this with a show of appreciation,” dagdag nito.