Una sa Balita

Tax-free na ang expanded maternity leave ni nanay!

0 425

Magandang balita para sa kababaihan, lalo na sa mga buntis na mga nanay: Hindi na bubuwisan ang inyong makukuhang benepisyo sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law!

Ito ay ayon mismo sa Bureau of Internal Revenue (BIR) Memorandum Circular 105-2019 na nagsasaad na tax-free na ang maternity leave benefits ng mga working nanay. Ito ay isang maaga at masa­yang pamasko sa lahat ng mga working nanay at kanilang mga baby.

Sa isang panahon na kaliwa’t kanan ang ating mga binabayarang buwis, napakalaking kaluwagan ang pagi­ging tax-free ng ating ipinaglaban na expanded maternity leave benefits para sa kababaihan. Healthy hindi lamang si nanay at ang kanyang baby, healthy rin ang bulsa natin.

Ang Expanded Maternity Leave Law, na aking inakda at inisponsor sa Senado, ay kasalukuyang nagbibigay ng 105-araw na bayad na maternity leave benefits sa mga working nanay mula sa dating 60-araw lamang. Sa mga solo parent, may karagdagang 15-araw pa na dagdag benepisyo at aabot ito sa 120-araw na paid maternity leave.

Ang ating pinasang batas ay nagbibigay rin ng tinatawag na ‘daddy quota’ kung saan puwedeng makakuha ng dagdag na 7-araw na paternity leave ang mga tatay mula sa 105-araw na maternity leave ng mga nanay. Iba pa ito sa nakatakdang 7-araw na paternity leave, kaya aabot sa 14-araw na paternity leave ang makukuha ng mga tatay kung ia-avail niya ang benepisyong ito.

Dahil sa memorandum ng BIR na ito, hindi lamang maaa­lagaan ang kalusugan ng mag-ina kung hindi pati ang kanilang pinansiyal na pangangaila­ngan ay magkakaroon ng ayuda. Alam naman natin ang hirap ng gastusin sa pagkakaroon ng bagong baby sa pamilya. Sa dagok ng mga nagtataasang gastusin, ito ay masayang balita sa mga nanay at tatay na nag-e-expect ng bagong baby.

Dahil tax-free na ang benepisyo ni nanay sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law, madadagdagan na ang kanyang panggastos para sa mga pangangailangan ng kanyang baby. May dagdag pambili na siya para sa kailangang gamot, damit at pandagdag para sa pambayad sa ospital.

Napakalaking kaginhawaan ito sa buong pamilya!

Tinatawag na landmark na batas ang Expanded Maternity Leave Law at ito ay isang magandang hakbang tungo sa ating pagiging compliant ng Pilipinas sa standards ng International Labor Organization na ‘di kukulang sa 98-araw na maternity leave para sa mga bagong panganak na ina. Ito ay parte ng social protection measure para sa mga manggagawang kababaihan.

Ang Expanded Maternity Leave Law ay isa lamang sa mga batas na ating pinasa upang maproteksyunan at maa­lagaan ang buong pamil­ya. Lagi nating tatandaan na ang malusog na mamamayan ay salamin ng isang malusog at prog­resibong pamayanan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More