Una sa Balita

Tawi-Less?

By
0 487

Kakaunti na lang ang nahuhuling Tawilis sa lawa ng Taal sa Batangas.

Ayob sa mangi­ngisda, bunga ng masamang panahon.

Pero sabi ng mga eksperto, naabuso ang pamimingwit ng tawilis at ‘di na sila nabigyan ng pagkakataon na magparami.

Anuman ang dahilan, dapat pa rin na maproteksyunan ng gobyerno ang tawilis, ang natatanging isda na nabuhay sa tubig tabang at tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan.

Balitawit:
Kabilugan Ng Buwan
APO Hiking Society
I.
Kapanahunan na naman,
Sikat sa kainan…
Tawilis ang ngalan,
Sa agahan
Ay kay sarap!
Kabilugan ng buwan
At ang tubig ay may kalamigan
Huli ng tawilis sa bulkan,
Kakaunti na lang…
II.
Pangingisda nga lang naman
Ang mararanasan
Sa buong mundo raw tayo lang
Ang may ganyan..
Kabilugan ng buwan
At ang alon ay may kataasan…
Huli ng tawilis sa bulkan…
Kakaunti na lang.
III.
Halina at tikman,
Bago pa ang suplay maubusan…
Masaya ang mundo pag kasama nito ay monggo…
Huwag kang mawawala at ang
tiyan ko ay ‘di na maligaya
Ihain na, o hain na!!!
(Repeat all)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy