Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tawag, pagluluto pinagsabay ng call center agent

0 120

Maraming paraan para mapanatili ang work-life ba­lance kahit pa sa panahon ng pandemyang COVID-19.

Tulad na lamang ng isang lalaki na kinatuwaan sa social media dahil pinagsabay ang pagiging call center agent at ang pagluluto, ang gawaing nakatoka sa kanya sa tinutuluyang bahay.

Sa video na in-upload ng isang King San Miguel, makikita si Vincent John Lego Sorongon, business process outsourcing (BPO) worker na nakabase sa Pasig, na sumasagot sa isang tawag kasabay ng pagluluto niya ng kanilang dinner.

Ayon kay King na workmate at kaibigan ni Vincent, work from home sila at si Vincent din ang cook nila sa kanilang apartment at pangkaraniwan na sa kanila ang ganoong sitwasyon.

Related Posts

Banggit naman ni Vincent, nakasanayan na niyang maging tagaluto ng kanilang pagkain. Nabatid na nasa call center industry siya mula pa taong 2015.

“That time kasi naka shift na ako, pero need ko din lutuin ang food namin. So ayan, habang nagwo-work ay nagluluto rin kasi malapit ang work station ko sa lutuan namin.”

Hindi aniya madali ang multitasking dahil kailangan nito ng skill at pasensya. “More practice is the key to achieve it effortlessly,” payo ni Vincent. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.