Una sa Balita

‘Tawag ng Tanghalan’ nilampaso ang ‘Eat Bulaga’

By
0 4,358

Buong sambayanan ang tumutok sa grand finals ng ‘Tawag ng Tanghalan’ noong Sabado (June 2), kaya hindi nakakapagtakang lamon na lamon din ng ‘It’s Showtime’ ang kalaban pagdating sa ratings.

Nakakuha ang Kapamilya noontime show ng national TV rating na 31%, habang ang ‘Eat Bulaga’ ay 9.5% lang ang nakuha ayon sa datos ng Kantar Media. 21.5-points difference ha!

Marami rin ang hindi agad naka-get over sa naganap na huling tapatan ng ‘TNT’ dahil mula Sabado hanggang Lunes (June 4), tatlong araw na trending ang hashtag na #TNT2HulingTapatan.

Todo-todo ang pag-tweet ng madlang people para sa saya nilang nararamdaman dahil sa deserve na deserve na pagkapanalo ni Janine Berdin ng Cebu.

Pero bago pa umabot hanggang Lunes ang pag-trend sa Twitter ng patimpalak, no. 1 worldwide trending topic na ang ‘TNT’ halos sa pag-uumpisa pa lamang ng It’s Showtime, patunay na tinutukan talaga ang palabas ng sambayanan.

Maging sa YouTube, trending din ang final performances ng contenders. Umabot na nga sa 4 million views ang Bamboo medley performance ni Janine, at maging ang kanyang pag-awit ng ‘Nosi Ba Lasi’. Nasa 1.4 million views naman na ang Freddie Aguilar medley ng 2nd placer na si Ato Arman.

Solenn hindi nakilala ng mga fan sa palengke

Nakakatuwa ang paraan ni Solenn Heussaff para makatipid pero mga healthy na pagkain naman ang nabibili niya. Imbes na sa supermarket namimili ang aktres, sa public market siya pumupunta at doon siya namimili ng mga fresh na gulay, prutas at seafood.

Para ‘di pagkaguluhan si Solenn sa palengke, may nag-disguise ito para ‘di nakikilala. May suot siyang shades, baseball cap at maskara na natatakpan ang ilong at bibig niya.

Hindi rin sexy ang suot ni Solenn. Simpleng t-shirt, jeans at walking shoes ang palengke outfit niya.

“Mas mura kasi sa palengke. Nakakapamili ka pa ng marami. ‘Yung budget ko na 1,000 pesos, good for one week of vegetables and fruits na yon. Mahilig kasi ako sa gulay at prutas.

“So far, wala namang nakakakilala sa akin. Busy rin kasi ang mga tao sa palengke kaya they don’t bother to know who buy from them,” sey ni Solenn.

May reason kung bakit nagtitipid si Solenn. Mula sa isang one bedroom condo unit ay mas malaking lugar na ang paglilipatan ng dalawa. Sign na raw ito na ready na sila na lumaki ang kanilang pamilya.

“It’s in the plan. Kaya dapat mas malaki na para may space ako—may painting area, may para sa mga dogs ko, para sa anak, may cage para kay Nico! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang pabiro pa ni Solenn.