Una sa Balita

TAULAVA, NLEX NANGIBABAW KONTRA BLACKWATER ELITE

0 7

Games sa Miyerkules: (Smart Araneta Co­liseum)

4:15 p.m. — Phoenix vs. Blackwater
7:00 p.m. — Brgy. Ginebra vs. Tropang TNT

Tinugunan ng kanyang mga alipores ang hamon ni Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III — ang pagkayod sa depensa — upang ma­bundol ng NLEX ang Black­water, 88-75 at humalu­bilo sa middle of the pack ng standings kahapon sa 2016 Oppo PBA Commissioner’s Cup eliminations sa Smart Araneta Coli­seum sa Quezon City.

Pinatunayan sa ballgame ni Paul Asi ‘Asi’ Taulava na kalabaw lang ang tumatanda nang akuin ang role ng import sa tinrabahong 22 points, 15 rebounds, four assists at two blocked shots para hana­yan ng NLEX sa quadruple-tie sa fifth place sa 4-4 win-loss slates ang mga bakanteng Rain or Shine, title­holder Tropang TNT, Mahindra at ang naglalaro pa kagabing San Miguel Beer at Star.

“It’s really our defense that stepped up today,” suma ng Road Warriors coach na si Fernandez. “Our goal is to li­mit Blackwater to 90 below. Past few games namin we’re allowing opponents to score on us. Cre­dit to all but total team effort this game.”

Nakapagbibigay sa mga oposisyon sa apat na balentong ng 107.5 points per game ang NLEX, na nakabawi sa 85-80 defeat sa Texters noong Marso 13.

May 22 pts. din si Willie Alfred ‘Al’ Thornton pero nakawalong rebounds lang. Umasiste ng 15 pts. si Sean Anthony at naka-10 si Kevin Louie Alas sa pagpapahaba pa ng bangungot ng Road Warriors sa Elite sa tatlo at ikalaglag sa 11th mula sa 10th sa barahang 3-6.

May 14 pts. at 18 rebs. na nga lang si Malcolm Jaleel ‘MJ’ Rhett, tanging ang 16 pts. at 12 rebs. ni Art dela Cruz at 11-­puntos ni Reil Cervantes ang nagtrabaho para sa Elite, na Mar. 6, 115-103 pa ang last win kontra undermanned Global­Port.

“We’re looking forward to our next game which is Global then San Miguel. “Goal namin is to make it to the quarters,” panapos ni Fernandez.

Ang scores:

First game

NLEX 88 — Taulava 22, Thornton 22, Anthony 15, Alas 10, J Villanueva 7, E Villanueva 4, Khobuntin 3, Lanete 3, Enciso 2. Borboran 0.

Blackwater 75 — Dela Cruz 16, Rhett 14, Cervantes 11, Gamalinda 8, Cortez 7, Pascual 7, Lastimosa 6, Erram 4, Sena 2, Bulawan 0, Golla 0, Reyes 0, Tiongson 0.

Quarters: 18-12, 42-32, 66-60, 88-75. (Ramil Cruz)