Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tatum, USA abante sa knockout round

0 31

INUMPISAHAN ng Team USA ang Tokyo Olympics 2020+1 sa 83-76 loss sa France, bumawi ng dalawang sunod ang Americans para bumiyahe rin sa knockout round.

Sinagasaan ng US quintet ang Czech Republic 118-84 sa huling asignatura sa group phase sa Saitama Super Arena nitong Sabado.

Nagliyab ng 27 points si Jayson Tatum sa mga Amerikano.

Pasabog ng 23 points mula 8 of 11 shooting si Kevin Durant para giyahan ang ratsada ng defending champions sa second half.

Walang nakapigil kay Durant na tumikada ng 4 for 7 sa 3-pointers, may 8 rebounds, 6 assists at 1 block.

Nagdagdag si Zach LaVine ng 13.

Sa Martes sisiklab ang quarterfinals, mabubuo ang cast sa pagtatapos ng pool play kahapon.

Dumidikit pa ang Czechs 47-43 sa halftime, pagbalik ay tinapakan ng Americans ang silinyador para kumalas. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.