Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tatum hirap sa paghinga

0 120

ISANG buwan matapos tamaan ng coronavirus disease, apektado pa rin ang paghinga ng Boston Celtics star na si Jayson Tatum.

Balik court na si Tatum pero aminado ito na nahihirapan pa rin siyang huminga nang maayos kapag naglalaro.

Maganda ang performance nito sa bawat laro pero aminado na hindi pa siya balik sa 100 percent.

SM food to go Banner Ad

Mabilis aniya siyang mapagod mula nang tamaan ito ng COVID-19.

“I have experienced some games where, I don’t want to stay struggling to breathe, but you get fatigue a lot quicker than normal,” sabi ng basketbolista.

Dagdag pa ni Tatum, mukhang mahabang proseso ang pagbabalik nito sa dating kondisyon matapos matamaan ng virus. (Sarah Jireh Asido)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.