Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tatum hirap pa rin sa paghinga

0 215

TATLONG buwan matapos madali ng coronavirus disease, ramdam pa rin ni Boston Celtics star Jayson Tatum ang epekto nito.

Hindi pa rin aniya maayos ang kanyang paghinga kaya’t gumagamit siya ng inhaler bago sumalang sa laro.

“It’s a process. It takes a long time. Like, I take an inhaler before the game started since I’ce tested positive,” sambit ni Tatum.

Malaking tulong aniya ang paggamit niya ng inhaler, dagdag pa nito na mula nang magka-COVID-19 siya ay ‘yun pa lang ang unang beses na gumamit siya nito.

Kahit may hirap na nararamadam dahil sa epekto ng COVID-19, halimaw pa rin sa loob ng court si Tatum.

“I for sure feel better now than I did a month ago,” aniya. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.