Una sa Balita

Tatum, Hayward, Walker bagong timpla ng Celtics

0 386

Key Players: Jayson Tatum, Gordon Hayward, Marcus Smart, Jaylen Brown, Robert Williams

Roster: Daniel Theis, Semi Ojeleye, Brad Wanamaker, Robert Williams III

Key Additions: Romeo Langford (14th overall pick in 2019 Draft), Robert Williams (22nd overall pick in 2019 Draft), Carsen Edwards (33rd overall pick in 2019 Draft), Tremont Waters (51st overall pick in 2019 Draft), Kemba Walker, Enes Kanter, Tacko Fall, Vincert Poirier, Grant Williams, Yante Maten, Kaiser Gates, Max Strus, Javonte Green

Rank: 4th

Last Season’s record: 49-33

Head Coach: Brad Stevens

NALAGAS na ang mga sikat na player sa kanilang koponan ngayong season, hindi pa rin magpapahuli ang Boston Celtics sa panibagong bakbakan sa liga.

Nawala sina superstar Kyrie Irving, Marcus Morris at Al Horford, sisiguruhin naman nina Jayson Tatum, Gordon Hayward at Marcus Smart na maisasampa muli nila ang Celtics sa playoffs ngayong season.

Nawalis ng Boston ang Indiana Pacers (4-0) sa first round playoffs ngunit hindi na nakaporma pa kontra sa Milwaukee Bucks (1-4) sa second round.

May average na 15.7 points per game, 6.0 rebounds, 2.1 assist si Tatum, habang may 11.5 ppg, 4.5 rpg at 3.4 apg si ni Hayward.

Disenteng mga numero rin na 8.9 ppg, 2.9 rpg at 4.0 apg ang average ni Smart.

Kaabang-abang naman ngayong season ang ipapakitang performance nina Romeo Langford (14th overall pick/2019 Draft), Robert Williams (22nd overall pick/2019 Draft), Carsen Edwards (33rd overall pick/2019 Draft) at Tremont Waters (51st overall pick/2019 Draft).

Tiyak na malaking tulong din sina veteran Kemba Walker, Enes Kanter at 7-foot-6 center Tacko Fall.

Nagtala nitong nakaraang season si Walker ng 25.6 points per game, 4.4 rebounds, at 5.9 assists habang si Kanter naman ay may 13.1 points, 8.6 rebounds at 1.4 assist. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy