Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tatum, Celtics sinagad Bucks

0 47

SINIGURO ni Jayson Tatum na hindi pa matatapos ang season ng Boston.

Umiskor si Tatum ng 46 at naligtasan ng Celtics si Giannis Antetokounmpo at Milwaukee 108-95 Biyernes ng gabi.

Matapos ibaba ng Bucks ang 14-point deficit sa apat sa bukana ng fourth quarter, nag-take charge si Tatum.

Inilista ni Tatum ang 16 sa 26 points ng Boston sa final period.

“He was unbelievable,” bulalas ni Antetokounmpo na sumabay din ng 44 points, 20 rebounds at 6 assists.

Related Posts

Tabla ang East semis sa 3-3, rambulan sa winner-take-all Game 7 sa Lunes (araw sa Manila) sa Boston.

Hinihintay ng Miami Heat ang winner na makakatuos sa conference finals.

Mula sa labas ng arc ay 17 for 43 ang Celtics, 7 for 27 ang Bucks.

Sumegunda ng 22 points si Jaylen Brown, may 21 markers at 7 dimes pa si Marcus Smart.

Bumakas ng 17 points si Jrue Holiday, 14 kay Pat Connaughton. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.