Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tatum, Celtics reresbakan Heat

0 72

GAME 1 ng East finals ngayong araw sa Miami, i-ho-host ng top seed Heat ang Boston Celtics.

Rematch ito ng 2020 conference finals sa Orlando bubble nang kalusin ng Heat ang Celtics 4-2.

Mula sa team noong taong ‘yun, core na ng Boston sina Jayson Tatum, Jaylen Brown at Defensive Player of the Year Marcus Smart. Support cast sina Grant Williams, Al Horford.

“This is the group I feel like is poised enough to get it done,” pagmamalaki ni Brown.

Jimmy Butler, Tyler Herro, Bam Adebayo ang nangunguna sa Miami, may Max Strus at Kyle Lowry pa.

Nangailangan ang Heat ng limang laro bago dinispatsa ang Atlanta sa first round, isinunod ang Philadelphia sa anim na laro sa semis.

Winalis ng Celtics ang Brooklyn sa Round 1, sinipa ang defending champion Milwaukee sa sagarang pitong laro sa Round 2. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.