Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tatum, Boston sinipa Milwaukee

0 75

UMISKOR ng career-high 27 mula sa pitong 3s si Grant Williams at sinipa ng Celtics ang defending champion Milwaukee Bucks 109-81 sa Game 7 ng East semis nitong Linggo sa Boston.

Game 7 record ang 22 3-pointers ng Boston, hahamunin sa conference finals ang top seed Miami Heat. Game 1 sa Miyerkoles (araw sa Manila) sa Walt Disney World.

Nagdagdag ng 23 points si Jayson Tatum sa Celtics na naiwan pa sa series 3-2 bago tinuhog ang dalawang sumunod na laro.

Na-outscore ng Boston ang Bucks 61-38 sa second half ng deciding game.

Tumapos si Grant ng 7 for 18 mula long range, 22 for 55 overall ang Celtics.

Mukhang napagod na si Milwaukee star Giannis Antetokounmpo, 3 of 11 na lang sa paint sa second half at 1 of 6 sa fourth.

Nagsumite pa rin ang Greek Freak ng 25 points, 20 rebounds, 9 assists. May 21 markers, 8 dimes si Jrue Holiday. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.