Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tatum, Boston nilamog Miami

0 82

BUMALIK si Marcus Smart para tulungan si Jayson Tatum at Celtics na lamugin ang Heat 127-102 sa Game 2 ng East finals nitong Huwebes sa Miami.

Tabla sa tig-isang laro ang series, lipat sa Boston ang Game 3 sa Linggo (araw sa Manila).

Namuno sa Celtics ang 27 points ni Tatum, nag-deliver ng tig-24 sina Jaylen Brown at Defensive Player of the Year Smart na may 9 rebounds at 12 assists pa.

May 19 points din si Gran Williams sa Boston, kinontrol ang laro matapos magkasa ng 17-0 run sa dulo ng first quarter mula sa limang 3-pointers sa anim na possessions.

Maagang naiwan ng 10 ang Boston bago na-outscore ang Miami 60-21 tungo sa 70-45 halftime lead.

Overall ay nagbaon ng 20 mula long range ang Celtics kumpara sa 10 lang ng Heat.

Umiskor ng 41 si Jimmy Butler noong opener pero nalimitahan sa 29 points lang sa loob ng 32 minutes. Nag-ambag ng tig-14 sina Gabe Vincent at Victor Oladipo.

Sa fourth, lumobo pa sa 34 ang bentahe ng Boston. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.