Una sa Balita

Tattoo artist inasinta sa ulo

By ,
0 158

Dead-on-the-spot ang isang tattoo artist matapos asintahin sa ulo at bistayin­ ng bala ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem kahapon sa Pasay City.

Kinilala ng Pasay­ City Police ang biktimang si Ronald Luceña alyas ‘Buto’ 34, residente­ ng 12th Street, Manlumas, Villamor Air Base, Brgy. 183.

Sa report ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-otso ng umaga sa harapan ng Villamor­ Airbase Elementary School­ sa panulukan ng Poccio Garden, Brgy. 183 ng nabanggit na lungsod.

Hinatid umano ng biktima ang anak sa naturang paraalan kasama ang kanyang live-in partner na si Aiza Abanilla sakay ng Yamaha motorcycle.

Nang maihatid, ipinarada muna ng biktima sa harapan ng gate ng paaralan ang motorsiklo habang hinihintay ang ka-live-in. Biglang duma­ting ang dalawang lala­king nakamaskara at isa dito ang bumaril sa ulo ni Luceña na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Agad namang tumakas ang mga suspek na naglakad lamang.

Lumitaw sa record ng pulisya na ang biktima ay isa umano sa ‘number 1’ sa listahan ng mga ‘drug pusher’­ sa lungsod.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy