Una sa Balita

Tatlong laban pa kay Pacquiao

By
0 485

KUNG ang deklarasyon ni Top Rank CEO Bob Arum ang paniniwalaan, tatlong laban na lamang si eight-division champion Manny ‘The Pacman’ Pacquiao at iiwan na nito ang mundo ng boksing.

“He wants a fight this year and two more next year and then sayonara,” kuwento ng 86-anyos na bo­xing promoter sa Manila Bulletin sa pagbisita nito sa fighting senator kamakailan sa General Santos City.

Bago ang panalo ng 39-anyos na si Pacquiao kay Lucas Matthysse nitong nagdaan buwan sa Kuala Lumpur, sinasabing handa na nitong iwan ang boksing kung matatalo sa Argentine ex-champion. Pero nagwagi ito sa bisa ng 7th round TKO victory kaya muling uminit ang kanyang pangalan.

“We know what he wants,” dagdag ni Arum patungkol sa da­ting alaga.

Idinidiga ni Arum alinman kina WBO 147-pound ruler Te­rence Crawford o WBA lightweight titlist Vasyl Lomachenko bilang sunod na kasuntukan ni Pacquiao.

Kasunod ito ng balitang nakikipagnegosasyon din kay Pacquiao ang mana­ging director ng Matchroom Sport na si Eddie Hearn.