Una sa Balita

Tatlong driver arestado sa shabu

By ,
0 461

Arestado ang tatlong driver ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 9(MPD-PS9) matapos makumpiskahan ng shabu sa kanilang mga bulsa, kamakalawa nang gabi sa Malate, Maynila.

Kinilala ng MPD-PS9 ang mga suspek na sina Eduardo Caparas, 47, taga-Singalong, Maynila; Russel Elizaldo, 35, nakatira sa Paco, Maynila; at Albert Cruz, 26, ng Guada­lupe, Makati City na pawang mga driver ng jeep at pedicab.

Nahuli ang tatlo matapos magsagawa ng anti-criminality operation ang MPD-PS 9 Drug Enforcement Team at Special Ope­ration Task Unit (SOTU) bandang alas-nuwebe nang gabi sa Arellano cor. Zobel St., Malate, Maynila.

Nakuha sa mga suspek ang ‘sachet’ ng shabu , tatlong pisong barya at apat na bente pesos.

Nasa kustodiya nga­yon ng MPD PS-9 ang mga suspek na inihahanda ang pagsasampa ng kasong pag­labag sa RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.