Una sa Balita

Tatlohan Chess sulong sa Munti

0 423

NAKATAKDANG itulak ang Muntinlupa Tatlohan Chess Team Tournament 1950 average ratings ngayong Sabado sa Sto. Niño Plaza Poblacion, Muntinlupa City.

Ipatutupad sa nasabing tournament ang time control na 20 minutes plus five seconds delay per move via Swiss System at Match Point format.

“Scoring system will use match points (W=2, D=1, L=0) to determine the winning team,” ayon kay tournament ma­nager Edwin Caballero.

Nakataya ang P17,000 plus trophy sa magkakampeon, may nakalaan naman sa se­cond hanggang fourth placers na tig-P14,000, P10,000 at P5,000 ayon sa pagkakahilera.

Ibubulsa ng fifth hanggang tenth placers ang tig-P1,000.

Ang registration fee ay P1,500 para sa early birds hanggang Enero 18, 2019. Ang on-site registration fee ay magtataas ng P200, na patu­ngo sa P1,700 sa Sabado. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy