Una sa Balita

Tatay ni Yassi sugatan, duguan sa aksidente

0 1,147

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNaluha si Yassi Pressman nang makitang sugatan at may dugo ang mukha ng ama niya. Naka-post sa Instagram ng Kapa­milya actress ang mukha ng kanyang daddy na foreigner na may dugo.

Base sa comment ng leading lady ni Coco Martin sa seryeng ‘Ang Probinsyano’ ng ABS-CBN 2, nahulog daw ang ama niya kaya ito nagkasugat sa mukha. Pero, humanga siya sa tatay niya dahil kahit naaksidente na ay nakuha pa nitong ngumiti at magbiro.

Sinabi pa ng tatay niya na nakipagbakbakan siya sa isang eksena niya sa ‘BuyBust’ kaya siya nasugatan. Dahil doon mas pinili ni Yassi na maging positibo sa pa­nanaw sa buhay dahil sa naging inspiring attitude ng ama sa tinamo nitong aksidente.

Jodi kahanga-hanga ang katalinuhan

Nagpamalas ng talino si Jodi Sta. Maria sa kurso niyang Psychology nu’ng tumanggap siya ng academic awards o re­cognition sa pinapasukang school. Ipina­ngalandakan ni Jodi ang pag-akyat niya sa entablado para ku­nin ang kanyang award.

Base sa kanyang Instagram posting­, isang taon pa bago tuluyang matapos ng Kapamilya actress ang kanyang kurso. Pero ngayon pa lang nag-e-excel na siya.

Ipinagyayabang ni Jodi ang kanyang achievement dahil sa gitna nang pagiging aba­la niya sa showbiz ay nagawa niyang itawid with flying colors ang pag-aaral.

Hinikayat ni Jodi ang lahat na huwag mawalan ng pag-asa at i-pursue ang kanilang paga-aral. Mukhang nakatulong kay Jodi ang break up kay Jolo Revilla para mas maka-concentrate siya sa paga-aral.

Anyway, top 1 lang naman si Jodi, ha!