Una sa Balita

Tatay ni Nadine keber sa mga basher

0 567

Negang-nega ang dating ngayon ng ama ni Nadine Lustre na si Mr. Ulysses Lustre dahil sa mga naging latest post nito sa social media.

Isa kasi si Mr. Lustre sa mga celebrity dad na aktibo sa social media at hindi nito tinatago ang mga tunay niyang nararamdaman, lalo na’t may kinalaman ang kanyang anak na si Nadine.

Sa kanyang Facebook ay nag-post ito ng cryptic message at may pinapatamaan siya sa mensahe niyang ito.

Hindi mawari ng netizens kung ang pinapatamaan ba ni Mr. Lustre ay ang sarili niyang anak na si Nadine o ang boyfriend nitong si James Reid?

Heto ang post ni Mr. Lustre sa Facebook na ngayon ay deleted na:

“Facebook says, ‘What’s on your mind?’ I guess it means that I’m entitled to rant, once in a while. Here it goes: I’m a Flop and you’re High Gross, what are you afraid of?

“You feel so threatened, you’re desperate to break US apart. I hope someday you get what you deserve. What comes around goes around.”

Mapagpatol din sa mga basher si Mr. Lustre at pinasalamatan pa niya ang mga ito sa mga negative comments nila kahit na hindi niya ito binabasa.

“Well, what do you know! 113 comments and 7 shares in just 3 hrs. first time ever in my page. Thank you, haters for making me famous. Keep it coming…

“I don’t even read hate comments. At the end of the day you become affected I’m not. Kudos!” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy