Una sa Balita

Tatay ng magiging anak nina Liza, Ice kahawig nina Liam Hemsworth, Jamie Dornan

0 537

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloySa December pa handang magbuntis si FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chair Liza Diño-Seguerra sa unang anak nila ng acoustic singer na si Ice Seguerra.

Nag-guest si Chair Liza sa live telecast ng “Abantelliling” hosted by yours truly and Dondon Sermino. Ang “Abantelliling” ay ang podcast celebrity talk show ng Abante, na mapapanood sa Facebook page Abante News Online, Abante Tonite YouTube channel at @abante_tnt.

Isa sa mga naging topic ng tsikahan kay chair ay ang balitang pag-a-undergo na nila ni Ice sa clinical procedure para magkaroon ng baby. Ibinalita ni Liza na nasa first stage na sila kung saan nag-harvest na ng egg cell kay Aiza at naka-freeze na ang itlog nito.

Nakahanap na rin ng sperm donor ang mag-asawa para bubuo ng embryo, at ito ay isang fo­reigner. Hindi itinanggi ni Liza na kinunsidera nila ni Ice na kumuha ng local sperm donor or isang Pinoy.

Hindi rin niya dinenay na may mga kinonsidera silang mga celebrity na puwedeng pakiusapan na maging sperm donor, pero dahil nga sa naiisip nilang kumplikasyon, minabuti nilang isang fo­reigner na lang ang kunin nila.

Ayon sa kuwento ni Liza, nakita na nila ang foreigner sa photo at na-background check na ito sa pamamagitan ng mga impormasyong ipinadala sa kanila.

Kahawig daw ng mga Hollywood actor na sina Liam Hems­worth at Jamie Dornan ang sperm donor nila.

Ang susunod na phase ng proseso ay ang pagmi-meet ng egg cell ni Ice at ng sperm ng foreign donor.

Sa Malaysia gagawin ang ikatlong proseso ng pagtatanim sa sinapupunan ni Liza para siya ang mabuntis sa magiging anak nila ni Ice.

Kung sakaling malaman sa test na hindi kakayanin ni Liza ang magdala ng sanggol, kay Ice ito itatanim at siya ang magbubuntis ng kanilang anak.

Pero confident si Chair Diño na makakaya ang itanim sa kanya ang buhay na pinagsama mula sa egg cell ni Ice at sperm ng foreign donor dahil nagkaroon na siya ng baby.

Ipinaliwanag sa amin ni chair na may mga issues at conflict kung bakit sa ibang bansa gagawin ang pagtatanim sa kanya. Sinabi nito sa interview na ang pagkakaroon ng mahigpit at ibang panananaw ng religious belief ang dahilan.

Dahil nga kailangang tapusin muna ni Liza ang mga project in line sa selebrasyon ng 100 years ng Philippine Cinema sa ilalim ng FDCP, sa December na lang siya sasailalim sa pagtatanim.

Sa mga nagtatanong kung magkano ang gagastusin sa clinical process, ayon kay Chair Liza, humigit kumulang sa P300,000 ang nagastos nila sa unang stage pa lang.

Well, ang kabuuang interview tungkol sa usa­ping ito ay mapapanood pa sa “Abantelliling” sa Abante News Online sa Facebook at YouTube.

Isang eye-opener at scientifically lear­ning ang pagiging open ni Chair Liza sa paksa tungkol sa clinical process o scientific process ng pregnancy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy