Una sa Balita

Tatay nahulog sa sapa dahil sa kalasingan

By
0 148

HINIHINALANG dahil sa kalasingan kaya nahulog at namatay ang isang 51-anyos na tatay nang mahulog sa sapa sa Carmona, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Cinon Himaya Jr., may-asawa, ng 1423 Brgy. Bancal, Carmona, Cavite.

Sa report ni PO2 Gilbert Centeno ng Carmona Municipal Police Station, dakong alas-9:30 nang umaga nang ma­tagpuan ang bangkay ng biktima sa isang sapa sa Carillo Road, Brgy. Bancal, Carmona, Cavite.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-9:30 kamaka­lawa nang gabi na la­sing at pasuray-suray ang lakad pauwi sa kanilang bahay.

Gayunman, may ugali umano ang biktima na tuwing nalalasing ay dumaraan umano sa naturang sapa at nagpahupa ng hang-over kaya hinalang nahulog ito na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Wala namang naki­tang anumang pasa o anumang sugat sa kanyang katawan.

Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito.