Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tatay na kanin lang afford binusog ng resto crew

0 459

Sa panahon ng pandemya, dumarami ang nagsusulputang ‘Good Samaritan’. Napatunayan ito sa Facebook post ng netizen na si Earl Archievan Calixtro, kinuwento niya kung papaano naantig ang kanyang puso sa ginawa ng mga staff ng isang fast food chain sa Pampanga.

Aniya, nakita niya ang isang lalaki na nanginginig habang papalapit sa counter. “Pagpasok niya. Tingin nang tingin sa paligid. Tapos ayun pumunta na sa counter umorder. Nung nilapitan ko siya sobrang nanginginig ‘yung katawan nya.”

Dito niya napansin na tanging kanin lang ang in-order ng nasabing lalaki, kaya bumili siya ng makakain ni tatay, ngunit nang balikan ito ay binigyan na pala siya ng meal ng mga staff ng fast food.

“Pagbalik ko sa table nya may chicken fillet na. Binigay nu’ng crew,” ayon pa sa netizen. Aniya, napansin niyang tila nanghihina si tatay sa bagal ng kilos at hindi rin makapagsalita nang maayos.

“Ang nakuha ko lang na information is taga TACLOBAN daw siya. Napunta lang siya sa Pampanga para humanap ng work. Sa kasamaang palad inabutan siguro ng lockdown,” saad pa ng netizen.

Hiling ng may mabuting loob na makaabot ang kanyang post sa mga kamag-anak ni tatay para makauwi na ito sa kanila. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.