Una sa Balita

Tatay na afam gusto nang magkaapo kina Jessy, Luis

By
0 717

Ibinahagi ni Jessy Mendiola sa kanyang vlog ang paglilibot nilang mag-ama sa Abu Dhabi at talaga nga naman parehas silang masaya at sabik sa isa’t isa. At ang isa sa inaabangan ay ang sit-down interview ni Jessy sa kanyang ama.

Ang rule ayon kay Jessy ay may tatlong challenge siya para sa kanyang ama at una ang Fast talk, pinapili niya ang kanyang ama tungkol sa mga maliliit lang naman na bagay tapos pinapili rin ng “yes or no.”

Sa “yes or no,” unang tinanong ni Jessy kung boto ba ang kanyang ama kay Luis at umoo naman ang kanyang ama. Sunod na tinanong naman ay kung handa na ba ang ama na magkaanak si Jessy at wala namang pag-aalinlangan na nag-yes ang kanyang ama at sabi ni Jessy na medyo naiyak siya na ganoon ang response ng kanyang ama. Nang tanungin naman niya ang kanyang ama kung na-miss ba siya nito, nag-yes rin at hinalikan pa siya.

Maski ang ama ni Jessy ay medyo naiyak sa mini-game nilang mag ama. Parehas silang naging emosyonal sa pagtatapos ng unang challenge nila na “Fast talk.”

Sa second challenge, “Daddy Cant Say No Challenge” so kahit anong dare ni Jessy ay dapat gawin ng kanyang ama. Unang utos ni Jessy ay pinakakanta niya ang kanyang ama ng kahit anong kanta para sa kanya. Hindi nga nakatanggi ang ama niya at umawit ito, at pagkatapos ay agad nga silang nagyakap dahil naiyak na ang aktres.

Pangalawang request ni Jessy naman ay sumayaw silang mag-ama ng #SwitchItUpChallenge at talagang game na game ang kanyang ama! Pagkatapos sumayaw ay todo asikaso agad si Jessy sa kanyang ama at pinunasan ng pawis ang ama.

Huling pagsubok naman ni Jessy sa kanyang ama ay magbanggit ng kahit gaano karaming Filipino words na alam niya. Sunod ay ang tatay niya naman ang nagturo sa kanya magsalita ng lengguwahe nito.

Masayang-masaya naman ang mga fan para sa kanilang idolo at naramdaman rin daw ang kasiyahang mayroon si Jessy lalo na’t may blessing na ito sa ama na puwede nang magkaanak sila ni Luis.