Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tatandang dalaga: Arci ‘basted’ sa boylet na nireto ng ina

0 121

Handa na nga si Arci Munoz na tumandang dalaga.

Feeling niya kasi, hindi niya matutupad ang kagustuhan ng kanyang ina, na mapangasawa ang napili nitong lalake para sa kanya.

Sino ba ang masuwerteng lalake na `yan, na napili ng kanyang ina, na tila malabong mapangasawa ni Arci?

“Last day for my mum! @mommychooky. Cos I miss going to @bts.bighitofficial concerts with her. Her bias is #minyoongi and the only guy she wants me to marry. So in that case I’ll just be alone forever…” sabi ni Arci.

Eh, kaloka naman pala, na pati nga nanay ni Arci, baliw sa BTS. At talagang may napili na siyang boylet na dapat mapangasawa ni Arci.

Ang tanong, magkrus kaya ang landas nina Arci at Minyoongi? Na para nga kay Arci, malabo kaya tatanda na lang siyang dalaga.

Kaaliw nga na sa ngayon pa lang, feeling nabasted na agad si Arci sa boylet na napili ng kanyang ina, ha!

Pero, hirit naman ni krotropatv, “Hindi naman siguro…magpakilala ka kasi. Bakit si Meghan Markle and Princess Kate napangasawa mga crushes nila? #AnythingIsPossible.”

Well, wala nga naman imposible. Habambuhay, may pag-asa! Sige lang, hopia pa more tayo! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.