Una sa Balita

Tatakbong alkalde arestado sa estafa

By
0 764

KALABOSO ang isang mataas na opis­yal ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) na kandidato sa pagka-alkalde, makaraang maaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Nueva Ecija dahil sa mga kasong estafa.

Nabatid ng Abante mula kay PS/Supt. Leon Victor Rosete, NE police director, na nakilala ang suspek na si Alfredo de Guzman Libunao, Jr., 52-anyos, residente ng District 1, Brgy. Calipahan, Talavera, at mayo­ralty bet ng Partido Federal ng Pilipinas sa naturang bayan.

Armado ang mga tauhan ni NE CIDG chief P/Supt. Reyson Bagain ng arrest warrant na inisyu ni Judge Gonzalo Marata ng Regional Trial Court (RTC) Branch 48, Urdaneta City, noong Pebrero 10, 2015 at isa pang warrant sa pag­labag sa Republic Act 8282 na may Crimi­nal Case No. 12804 na inisyu ni acting RTC Judge Felizardo Montero ng Branch 29, Cabanatuan City noong Marso 27, 2017 nang arestuhin si Libunao.

Natiyempuhan umano si Libunao sa Old Capitol, Burgos Ave., Cabanatuan City, dakong alas-4:30 nang hapon.

Kasamang naaresto si Reson Angeles, 36, residente ng District 3, Brgy. Calipahan, Talavera at kapwa dinala sa CIDG office.

Ayon kay PD Rosete ang pag-aresto ay bahagi ng OPLAN: Tugis sa lahat ng mga may pananagutan sa batas, mayaman man o mahirap.

Si Libunao ay kilala umanong subdivision developer na makakatunggali ni incumbent Mayor Nerivi Santos-Martinez ng Unang Sigaw Party sa ilalim ni Gov. Czarina ‘Cherry’ Umali.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy