Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Task force binuo sa itinumbang reporter

0 139

Bumuo ang Philippine National Police (PNP) sa Eastern Visayas ng task group na siyang magkokoordina sa lahat ng magiging imbestigasyon at paggalaw sa pagsusuri sa pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Jesus ‘Jess’ Malabanan sa Calbayog City, Samar.

“The PNP is doing its best to immediately identify and arrest the person responsible for Malabanan’s death. I instructed the Regional Director of Police Regional Office 8 to create a Special Investigation Task Group to expedite the resolution of this case,” ani PNP Chief Gen. Dionardo Carlos.

Sa paunang mga report, sinabi ng Calbayog City Police Station na nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa insidente ng pamamaril, kamakalawa ng gabi. Nanunuod ng TV si Malabanan sa loob ng kanyang bahay nang may lalaking tumawag sa kanya kaya siya lumabas. Doon na pinaputukan ang biktima.

Sinabi ni Carlos na dahil gabi nangyari ang insidente, kakaunti lang ang nakakita. Pero mayroon umanong sumakay ng motorsiklo na galingsa bahay, saka tumakas.

Naglagay na ng checkpoint operations sa mga posibleng exit point ng salarin.

Si Malabanan ay nagsusulat para sa Manila Standard, Bandera, at Reuters. Samantala, kinondena ng National Union of Journalists in the Philippines-Pampanga Chapter ang insidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.