Una sa Balita

‘Tarantado’, ‘gago’ umalingawngaw sa US sitcom

0 526

Nag-viral ang episode na “Favoritism” ng hit American sitcom na “Superstore” dahil sa pagmumura ng Tagalog ng dalawang actor sa eksena na sina Nico Santos at Jon Barinholtz.

Maraming netizen ang natawa sa short clip na pinost ng show sa Twitter para maabangan nila ito.

“Mateo and Marcus arguing in Tagalog is everything we never knew we needed,” ayon sa tweet na nakakuha na ng higit sa 31,000 views.

Sa eksena, ang store manager na si Amy (American Ferrera) ay tinuturuan ang kanyang mga tauhan kung paano makiusap sa kanilang mga supplier para mai-deliver nang mabilis ang mga kailangan nila sa Cloud 9 store.

Unang nag-try ay si Mateo (Nico Santos), pero pumalpak siya. Sumunod ay si Marcus (Jon Barinholtz) na wala pang isang minuto ay na-charm na nito ang supplier.

Dito na nag-init ang ulo ni Mateo at nagpalitan sila ng mga salita ni Marcus in Tagalog.

Mateo: “Tarantado ka talaga!”

Marcus: “Narinig ko ‘yon, gago!”

Mateo: “Kapal ng mukha mo, alam kong ikaw kumuha ng gamit ko, tumigil ka na!”

Fil-American actor si Nico na nakilala sa paglabas niya sa pelikulang “Crazy Rich Asians”. Pinanganak siya sa Manila at nag-migrate sa US noong 16 years old siya.

Nagtrabaho siya sa costume department ng Oregon Shakespeare Festival bago siya nag-come out at sinubukan ang stand-up comedy sa Los Angeles. Na-feature siya weekly sa talkshow na “Chelsea Lately”.

Si Jon naman ay kapatid ng MadTV comedian, actor and writer Ike Barinholtz.

Lumabas siya sa pelikulang “Dumb and Dumber 2” at sa mga TV show na “New Girl”, “Veep”, “The Mindy Project”, “Key and Peele”, at “Happy Endings”. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More