Una sa Balita

Tara talamak kahit 2 palit-ulo

0 358

MATINDING pagkadismaya ang inihayag ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa patuloy na pamama­yagpag ng tara system sa Bureau of Customs (BOC) sa kabila ng kanyang exposé at ilang ulit na pagpapalit ng pinuno nito.

“Despite my exposé on the massive corruption inside the Bureau of Customs, much to my dismay, I was informed just recently that the Tara System has not been, by any chance, suppressed. Worse, for many Customs officials, it remains business-as-usual,” saad ni Lacson sa kanyang privilege speech.
Nilinaw naman ni Lacson na batay sa kanyang impormasyon, nananatiling malinis ang pa­ngalan ni Customs Commissio­ner Rey Guerrero.

“My sources confirm that the following departments/sections in the Bureau of Customs continue to take their “Tara” per container supposed­ly distributed as follows: for the Office of the Commissioner, an average of P5,000 per container plus 10% of the collections of each section/office directly under OCOM; P3,000 for Intelligence Group; P1,000 to P2,000 for the Enforcement Group; P3,000 for the Risk Management Office; and P2,000 to P3,000 for the Import and Assessment Service,” diin ng senador.

“Kung kani-kanino napupunta ang nasabing mga “tara” for his office or the Office of the Commissioner, I will leave it to Gen. Guerrero to investigate and find out,” dagdag nito.

Kinuwestyon din ni Lacson ang sistema ng pagharap sa mga corrupt na opisyal ng Customs.

“May I ask, how can the Bureau thoroughly and sincerely address the country’s drug problem if instead of punishing the corrupt or incompetent, or both, this administration is even rewarding these people with other positions in government? Sadly, what they cannot completely throw away, they tend to recycle. This time, at the expense of BOC’s credibility and to the detriment of the public,” diin ng senador.

Ibinunyag din nito ang mga bagong iregularidad na nangyari sa Customs kabilang ang pagpasok na naman ng sangkaterbang droga sa bansa.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong, tatlong BOC commissioner na ang itinalaga ni Pangulong Duterte. Una ay si Nicanor Faeldon, sumunod si dating PDEA chief Isidro Lapeña hanggang sa pinaupo na si Guerrero. (Dang Samsom-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy