Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tara sa Baguio as a Friend!

0 118

Dati-rati kailangan pa ng mahabang oras bago ka makapunta ng Baguio City, pero ngayon ay hindi na. Pwede ka nang pumunta sa madaling araw at umuwi kinagabihan na parang namasyal ka lang sa Maynila dahil ang bilis ng biyahe, simple at accessible na.

Super enjoy ang latest trip namin sa Baguio. Biglaan lang at walang plano. Kasama ko ang utol kong si Arnie at girlfriend na si Dra. Janice Gracia. Nag bus lang kami at makalipas ang mahigit 4 na oras ay nasa City of Pines na kami.

Madali lang ang sistema, promise! Ang unang dapat gawin ay magparehistro sa Baguio Visita web page kung saan ilalagay mo ang lahat ng personal details pati ang mga kasamang mamamasyal sa Baguio. May step-by-step guide ng mga gagawin. Dito ka mamimili ng accommodation na naayon sa budget. May listahan sila kasama ang mga accredited hotels, Bed and Breakfast (BnB) at transcient house na super affordable.

Same day nang dumating ang email na aprub ang aplikasyon namin at dito binigyan kami ng kanya-kanyang QR code na kailangang i-print bawat isa para sa mas madaling proseso pag sasakay na ng bus.

Sa Joy Bus kami bumili ng ticket, ₱720 ang one way. May kumportableng upuan at leg space, may toilet din. Dadaan muna sa Triage ang lahat ng pasahero na bahagi ng health at travel protocol bago ka pasakayin ng bus. Dito ibe-verify ang personal info ng pasahero at temperature. Kailangang dala ang vaccine card at ang QR code na binigay ng Visita Baguio.

Umalis kami ng Cubao terminal ng 1:30 ng madaling araw at eksaktong alas- 6:00 ng umaga nasa Baguio na kami. Malamig at talaga namang very relaxing ang tinaguriang `summer capital of the Philippines’. Hindi nakakasawa kahit dagsa na ang tao at mga kabahayan. Iba talaga ang appeal nito bilang isa sa top tourist destination ng ating bansa.

Sa North Pine Transient House kami nag-overnight stay sa P400 per head. Maganda ang room dahil may 2 malaking kama, maayos na banyo at shower room. May malawak na veranda na tanaw ang mini pine forest sa likod ng bahay.

Kumain muna kami sa Good Taste restaurant na recommended ni Doc Janice dahil napaaga kami sa check-in time na 12:00 nn. Super yummy ang best seller nila na buttered chicken at chopsuey.

Sa mahigit 24-oras ay naikot namin ang Camp John Hay, Botanical Garden, Burnham Park, Mines View Park, Tan-Awan Village. Hindi kumpleto ang Baguio trip kapag hindi mo natikman ang strawberry taho at strawberry ice cream na mabibili sa halos buong sulok ng downtown. Ang ganda ng SM Baguio dahil napapalibutan Ito ng mga flower decoration dahil sa katatapos na Panagbenga Festival.

Must see ang pinakabago nilang attraction, ang Igorot Stone Kingdom. P100 ang entrance fee pero sulit dahil parang nasa ibang bansa ang vibe lalo na’t may tumutugtog ng flute na kakaibang background music sa buong sulok ng lugar.

Dumayo din kami sa Night Market pero wala kaming mabili kundi key chains dahil halos kagaya din ng tiangge sa Maynila ang mga tinda sa Ukay Ukay. Disiplinado at organisado ang mga nagtitinda dahil sabay-sabay silang nagbukas ng tindahan pagtuntong ng 9:00 pm kahit pa marami nang nakapila at gustong bumili sa kanila.

Tipid ngayong umikot sa bayan dahil sa Libreng Sakay program. Maraming shuttle bus na bumibiyahe sa downtown. Nakabantay ang mga pulis para seguridad ng mga bisita. Isa lang ang na-miss kong gawin..ang matikman uli ang strawberry beer sa Baguio Craft Brewery sa Benguet. Sayang talaga pero marami pa namang next time.

Leave A Reply

Your email address will not be published.