Una sa Balita

Tara na at magpa-test

0 229

Therapeach
Peach Mascarinas

Nakakaalarma ang lumalaking popu­lasyon ng HIV cases dito sa ­bansa. May 1,392 reported HIV ­cases sa Rehiyon 10 sa buwan palang ng Marso 2019, ayon sa Department of Health – Epidemiology Bureau ay ­pa­tuloy na tumataas ang bilang na ito.

Inilunsad kama­kailan lang ang ORO PIA, isang HIV community ­center sa Cagayan de Oro City. Ipinangalan kay Miss Universe 2015 na si Pia ­Alonzo Wurtz­bach ang ­community center na nag­hahandog ng safe space para sa ­Kagayanons at sa lahat ng nais magpa-­check para sa human immunodeficiency virus (HIV), at iba pang ­sexually transmitted infections ng ­libre.

“The HIV advocacy has a huge place in my heart, not only ­because of the people I know who are affected by it, but the epidemic is rapidly increasing and now ­affecting my fellow kababayan in Cagayan de Oro,” sabi ni Pia, isa ring UNAIDS Goodwill Ambassador for Asia and the Pacific.

Idinagdag pa ni Queen P, “I’m ­grateful for my LoveYourself family together with our partner Kagay-an PLUS, Inc. in naming the center after me, but more than that, the ­creation of Oro Pia is truly a ­timely and relevant response to curb the HIV ­epidemic in CDO.”

Layunin din ng Oro Pia ang ­imulat ang mga mata ng mga tao at baguhin ang mindset pagdating sa ­sexual health services. Ito’y dapat parte ng ating regular heath ­routine at overall wellness. Ang mga test at ­service na ito ay ­libre at kumpedensiyal.

Pinapatakbo ito ng local community-based organization Kagay-an PLUS – Preserving Life, Uniting Society, Inc., ang Oro Pia ay matatagpuan sa Gates 2 and 3 of Nuevas Bldg. 8th – 21st Street ­Nazareth, ­Cagayan de Oro City.

Ang center ay bukas ­tuwing Miyerkoles ­hanggang Linggo mula alas-2:00 p.m hanggang alas-10:00 p.m.

“We need to push our efforts towards ­reaching out to the key ­affected populations to know their HIV status, ­because there are people who are ­willing to help. If they tested nega­tive then, we will empower them to stay negative, but if they turned out ­positive, we are here to ­facilitate their HIV ­journey,” ­idinagdag ni Enrique Patricio, exe­cutive director ng KPLUS Inc.

Tara na at magpatest na! With proper HIV edu­cation, tests and treatments, ­malalabanan ­natin ang tumataas na po­pulasyon ng HIV case.

***
For more information, you may ­contact Kagay-an PLUS Inc.’s Oro Pia by calling 088-881-4011 or 09569362544, and through its Facebook page at fb.com/kaga­yanplus2015.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy